December 22, 2024

Ang hamunan ng suntukan ng 2 Congressman

Usap-usapan ngayon ang hamunan ng suntukan ng dalawang kongresista, mga Cabalen.

Ito’y bunsod ng hindi aniyang fair na pagbibigay ng budget para sa proyektong-bayan ng DPWH sa taong 2021.Nakahihiya ba ito o hindi para sa mga kagaya nilang mambabatas? Hindi. Init lang ng ulo ‘yan, ika nga nila.

Sa ibang bansa nga, blockbuster ang suntukan. Okay lang. Hindi big deal. Sanay na sila run.

Ang bida sa hamunan ng ‘square’ ay sina Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at House Deputy Speaker LRay Villafuerte ng Camarines Sur.

Ang pinag-ugatan nito ay ang akusasyon nang kuwestyunin ni Teves ang malaking alokasyon sa infrastructure projects sa distrito ni Villafuerte.

Inokray din nito ang DPWH kung bakit P11 bilyon ang natanggap ng distrito ni Villafuerte. Samantalang P8 milyon lang sa Taguig City.

Bakit malaki aniya ang natatanggap ng ibang lungsod. Unfair aniya ito sa mga lalawigan na nakatanggap lang ng P2 bilyon. Gayung mas kailangan ang pondo roon para umunlad ang rural areas.

Banat naman ni Villafuerte, inakusahan niya si Teves na ‘hatchen man’. Hindrance raw kasi ito sa ratification ng 2021 budget under Cayetano’s term.

Kaya naman, hinamon ni Teves si Villafuerte na mag-boxing na lang sila. Ayos lang kahit sa loob raw ng session hall. Pwede rin sa labas para matapos na ang isyu.

Call naman rito si Rep. Villafuerte. Okay daw kahit saan gawin ang boxing. Matuloy kaya ang suntukan ng dalawa?

Okay lang basta walang demandahan. Pampaalis buryong lang. Substitute rin ito dahil walang laban si Sen. Pacquaio. Abang-abang lang tayo, mga Cabalen.