November 3, 2024

ANG EPEKTO NG SIMPLENG E-MAILS SA CLIMATE CHANGE

Muli, isa pong magandang araw sa inyo mga minamahal kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mga Ka- Sampaguita.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. 

Batay sa ating pananaliksik, nakaapekto pala sa climate change ang inaakala naitng simplen email.

Ang isang maikling email, halimbawa, ay tinatayang nagdadagdag lang ng nasa four grammes (0.14 ounces) ng CO2-equivalent (CO2e) sa atmosphere.

Kung ikukumpara, ang sangkatauhan ay naglalabas ng may 40 bilyong tonelada ng CO2 kada taon.

Ngunit habang lumalalim ang digital era, ang naipong dami ng mga virtual message ay naging malaking bahagi na ngayon ng carbon footprint ng sangkatauhan.

Ang greenhouse gases ay nalilikha hindi lang habang bukas at gumagana ang computer, server at router. Kundi nailalabas din kapag binubuo ang nasabing kagamitan.

Kung ang nasabing email ay ipinadala sa mailing list, i-multiply ito sa bilang ngpadadalhan.

Kabilang sa email tips ng mga taranta sa nakokonsumong kuryente ang pag-iwas sa hindi mahahalagang recipient, pagtiyak na hindi malaking file ang mga attachment, at pagpapanatiling walang laman ang trash box.

Malaking tulong din kung hindi magpapaliguy-ligoy ang email—gumagana ang carbon counter habang binabasa ng recipient ang iyong napakahabang kuwento tungkol sa pamamasyal mo sa Disney World.

At nariyan, siyempre pa, ang spam, na tambakan ng mga anunsiyo at iba pang hindi importanteng pabatid.

Ayon sa anti-virus software maker na McAfee, tinataya sa mahigit 60 trilyong spam ang ipinadadala kada taon, naglalabas ng greenhouse gas emissions na katumbas ng sa tatlong milyong sasakyan na gumagamit ng 7.5 bilyong litro ng petrolyo.

Kung kaya, kinakailangang maging responsible tayong netizen upang mapangalagaan ang kalikasan sa lumalalang Climate Change. Adios Amorsekos.