LEVEL-UP na ang pamimigay ni Sen. Bong Revilla ng kanyang programang ‘Pogi Na Pamasko: Dance Challenge 2023,’ para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at pasasalamat niya rin para sa kanyang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.
Ang ‘Pogi Na Giveaway 2023 ay gaganapin ngayong December 17, 2023 at ito’y mapapanood sa kanyang Facebook account na Sen. Bong Facebook. com/bongrevillajrph.
Ngayon ay dalawang mobile sari-sari store, apat na iPhone 15 Promax, tatlong iPhone 15, pangkabuhayan package, cash prizes na P100K, P50K, P25K, P10K, ang mapapanalunan at may malaking-malaking sorpresa na ikatutuwa ng mga manonood.
Doon naman sa mga kalahaok na nag-fill-up sa Google Form na ito:
https://forms.gle/j2XUb2Rk5XwzoUzcA, pinaaalalahanan na isang entry lang bawat kalahok ang mananalo dahil automatic na matatanggal ang may higit sa isang entry.
At kung sakaling dalawang beses mabunot ang entry ng isang kalahok, mas malaking premyo lamang ang mapapanalunan upang mas marami umano ang mabigyan ng pagkakataon.
Magkakaroon din ng 2023 Amazing Ang Pasko Dance Challenge! Group Category: 1st Prize-P100,000, 2nd Prize-P50,000 at 3rd Prize-P30,000; Couples Category: 1st Prize-P30,000, 2nd Prize-P20,000 at 3rd Prize P10,000; Solo Category- 1st Prize -P20,000, 2nd Prize- P10,000 at 3rd Prize –P5,000.
Ang jingle na dapat gamitin ng mga kalahok sa dance contest na ito ay dapat kanilang idownload
ang Idol kita sa Pasko/Pogi na Pasko jingle na dapat nilang gamitin tugtugin para sa lahat ng kategorya sa dance contest.
Andami nang sumali at nag-post ng kanilang videos sa kanilang mga wall, kasama ang #AmazingangPasko, #BongRevilla at #PoginaPasko.
Kasama rin ang mga palarong gaya ng Pachingko, Amazing Roleta, Poging Pasko Stockings, Trivia Games.
Sina Sen. Bong, Rep. Lani Mercado-Revilla, at ang buong pamilya ang siyang magbibigay saya at ilang mga sorpresang celebrities na makikisaya sa buong programa. “Pinaghandaan namin ito, para mapasaya natin ang ating mga kababayan mula sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Ang Christmas Giveaway na ito ay handog ng aming pamilya bilang pasasalamat na rin sa walang sawa nilang suporta sa amin. Isa itong daan para makapagbigay kami ng Paskong saya sa ating mga kababayan.” Masayang pahayag ni Sen. Bong Revilla Jr.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE