December 24, 2024

Andrew Bogut, nagretiro na sa NBA, focus sa Tokyo Olympics

SYDNEY (AFP) – Inanunsiyo ni Aussie NBA player Andrew Bogut ang kanyang pagreretiro sa liga. Sa loob ng 15 taong paglalaro sa NBA, pormal nang namaalam si Bogut.

Nagsimula ang career ng 36-anyos na cager nang hablutin ng Milwaukee Bucks sa 2005 NBA Draft.

The decision hasn’t been an easy one, but I think it’s the right decision,” aniya sa kanyang he said podcast na ‘Rogue Bogues’.

I’ll be retiring from professional basketball effective immediately.”

Dagdag pa ni Bogut, nagdurusa siya sa chronic pain injuries. Kung saan, sumailalim siya sa two surgeries noong off-season.

The last two years have been a challenge for me, just to get out of bed in the morning some days, let alone go to a training session or a game.”

Sa ngayon, nakatuon ang focus ni Bogut sa 2020 Tokyo Olympics. Kung saan isa siya sa kakatawan sa Australia. Pero, prayoridad niya ang kanyang kalusugan para rito.

“I just can’t physically and mentally get to 2021 with the way the body has been,”aniya.

Nakapagkampeon si Bogut sa NBA noong 2015 nang maglaro sa Golden State Warriors.