November 21, 2024

ANDRES CENTINO NAPILI NI DIGONG NA BAGONG ARMY CHIEF

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Major General Andres Centino bilang bagong hepe ng Philippine Army.

“I wish to inform you, per your letter endorsement and in accordance with the recommendation of the chief of staff, Armed Forces of the Philippines (AFP)…the designation of Major General Andres Centino as commanding general, Philippine Army,” saad ni Duterte kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang liham na may petsang Mayo 14.

Papalitan ni Centino si Lieutenant General Jose Faustino Jr, na nagsilbi bilang acting chief ng army.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Lorenzana hinggil sa pagkakatalaga kay Centino sa bago nitong posisyon.

Si Centino ay commander ng 4th Infantry Division, sa Cagayan de Oro City.

Bago siya naging 4th ID Commander noong Mayo 2020, nagsilbi si Centino bilang 4th Infantry Division, which is based in Cagayan de Oro City.

Sa kabilang dako, si Faustino naman ang siyang dating head ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) sa Davao City.

Nakatakda siyang magretiro sa darating na Nobyembre ngayong taon.

Sina Centino at Faustino ay napapabilang sa Philippine Military Academy class of 1988.