Ngayong araw ay ginunita natin ang ika-157 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio. Alam naman ng karamihan na malaki ang naging ambag at papel nito sa bayan. Batang Tondo si Andres at maagang namulat sa hamon ng buhay.
Kung kaya nalalasap natin ngayon ang ating kalayaan. Isang modelo sa pagpapamalas ng nasyonalismo.
Marahil ay ginugunita lalo ito ng mga kababayan natin d’yan sa lungsod ng Caloocan dahil nandyan ang bantog na bantayog ng nasabing bayani na tinaguriang “Ama ng Himagsikan”.
Sino nga ba si Bonifacio? Bilang isang mamamayang Pilipino, papaano mo gugunitain ang araw ng kanyang kapanganakan?
Kung buhay lamang siya, sasabihin niya sa mga Pilipino na mahalin ang inang bayan. Maging disiplinado at responsableng mamamayan.
Masunurin sa batas, magalang sa mga magulang at maging matiisin at mapagmahal sa kalikasan. Dapat na pasalamatan ng isang Juan de la Cruz si Bonifacio.
Dahil isa siya sa pumukaw sa maalab na damdamin ng mga Pilipino noon upang makamit ang tunay na kalayaan.
Kalayaan sa kolonyalismo at pagmamanipula ng mga dayuhan. Sa panahon ngayon, gaano kakilala ng mga kabataan si Bonifacio bilang isang bayani? Ang pamana nitong kaisipan ng pagiging makabayan?
More Stories
Araw ni Rizal, Ginunita
Huling Tula ng Pambansang Bayani
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS