September 19, 2024

ANDREA BRILLANTES, MILYA-MILYA NA ANG LAMANG NI KATHRYN BERNARDO SA KASIKATAN

TALAGANG hindi pinaburan ng ABS-CBN itong si Andrea Brillantes, nang patahimikin ito ay wala siyang nagawa kung hindi ang manahimik na lamang.

Hindi na rin itinuloy ang kanyang ‘Senior High,’ drama series. Kaya ngayon biglang tahimik sa eksena ang actress.

“Goldmine kasi ng ABS-CBN si Kathryn Bernado, kumpara kay Andrea Brillantes na hindi pa man sumisikat nang husto ay nasangkot na ito sa scandal.

“Hindi magandang image ang ipinakita ni Andrea, kaya kinastigo siya ng sarili niyang TV network. Kita n’yo naman na mas pinaburan nila si Kathryn kaysa sa kanya.

“Ganyan kasakit gumanti ang karma, tignan n’yo namamayagpag ng husto si Kathryn Bernado habang si Andrea Brillantes naman ay nawawala na sa eksena,” malungkot na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.