November 10, 2024

ANDREA BRILLANTES, LESS TALK LESS MISTAKE

TIKOM na ang bibig ngayon ni Andrea Brillantes, sa nasangkutan niyang isyu tungkol sa hiwalayan ng KathNiel loveteam. Kung dati rating mayabang itong mag bitaw ng kanyang reaction, ngayon ay natuto na itong manahimik.

“Ang buong akala niya kasi ay nakakabuti ang palaban niyang image, dahil pinapaburan ito ng management ay hindi na ngayon. Lalo pa’t may mga project itong umeere sa ABS-CBN.

“Kung baga proud pa siyang gumawa ng mali, pero hindi na maganda sa kanyang career dahil lumalabas siyang malandi at proud kabit. Hindi magandang image iyon, kaya sa ayaw man niyang tanggapin ay na babash siya ng todo todo.

   “Katwiran ng mga humahawak ng kanyang career, ‘Less talk, less mistake. Hindi iyong naghahamon pa siyang ibash ng madlang pipol dahil hindi iyon makakatulong sa kanyang image,” kwento pa ng aking source.