December 24, 2024

Anak ni WWE superstar Rey Mysterio, sumabak na rin sa wrestling

Sumabak na rin sa pagro-wrestling ang anak ni WWE star Rey Mysterio na si Dominik. Katunayan, lumalabas na siya sa WWE Raw.

Una siyang lalaban sa lona kontra ‘Monday Night Messiah’ Seth Rollins. Maghaharap ang dalawa sa ‘Summerslam’ sa Linggo (Lunes sa Manila).

Maglalaban ang batang Mysterio at si Rollins sa ‘street fight’ match, gamit ang kendo stick.

Ang pagsampa ni Dominik, 23, ay bilang pagsunod sa yapak ng kanyang ama. Na isa sa sikat na wrestler sa mundo. Markado ang matandang Mysterio sa pagsusuot ng luchador mask.

Dominik at Rey Mysterio August 2005/ Summerslam (WWE Image)

Ayon kay Rey, magsusuot din ng mask ang anak at papalitan aniya ang pangalan na ‘Prince Mysterio’.

Unang lumabas si Dominik sa WWE noong 2005. Kung saan, pinaglalabanan ni WWE superstar Rey Mysterio at Eddie Guerrero ang kustodiya sa bata.

‘We actually talked about it,’ saad ng matandang Mysterio.

Dominik and Rey Mysterio, August 2020. (Photo: WWE Raw)

‘He definitely has to continue with the Mysterio dynasty. It’s in his genes.’

‘I think we’re going to incorporate that eventually and create a good story so the fans can understand the rich history behind lucha libre and the masks.’

I’ve always wanted to wear a mask mainly because of tradition,” sabi naman ni Dominik.

“It’s important to keep that tradition going.”

Now with my face being out there, I think it would just have to be introduced a little bit differently so people understand,’ aniya.