December 25, 2024

ANAK NI KOBE NA SI NATALIA BRYANT, NAIS PASUKIN ANG FILMMAKING

Nais ni Natalia Bryant, 18, ( may taas na 5’10) anak ni LA Lakers legend Kobe Bryant na pasukin ang filmmaking. Inihayag ni Natalia na ang kanyang tatay ang dahilan. Kung kaya, sinumpong siyang masyado sa film obsession.


Sa isinagawang question and answer segment ng IMG Models’ Youtube page, sinagot niya ang tungkol doon. Maging sa kanyang buhay. Isa sa tanong kung papaano siya napasok sa filmmaking.


Aniya, nagsimula iyon sa movie marathon. Kasama niya sa panonood ang kanyang ama na si Kobe. Mula rito, pag-uusapan nila ang plots sa loob ng ilang buwan. Kung saan, mula sa pinanood na movie ay makakakuha sila ng idea, plot at istorya.


Sinagot ng panganay na anak ni Kobe ang tanong na, “Where she sees herself in 10 years?”


Sinagot niya ito na gusto niyang manalo ng award sa Oscar. Pero, hindi niya sure kung saang category iyon.


Gaya ng kanyang ama, nanalo noon si Kobe ng Oscar noong 2018. Ito ay bilang Best Animated Short film na “Dear Basketball”. Ito ay hango sa retirement letter ni Kobe.