Hindi na suntok sa buwan ang nakatakdang paglalaro ni Jarvey Gayoso sa top clubs sa Thailand. Ito’y matapos magpakita ng impresibong laro ang bagets sa Philippines Football League season.
Ayon sa Azkals Development Team, nasa proseso na ang paglipat ni Gayoso sa Muangthong United. Ang nasabing team ay four-time winner sa Thailand’s top division.
“It’s not over the line yet, but it’s close and it’s an excellent move for him,” saad ni ADT coach Scott Cooper. Si Cooper ang may hawak ng Muangthong United noong 2014.
Si Jarvey ay anak ni dating Barangay Ginebra player Jayvee Gayoso at apo ni basketball at football great Ed Ocampo.
Nakapagtala ng 4 goals si Jarvey sa PFL season para sa ADT. Ang makapaglaro sa Thailand ay makatutulong kay Gayoso habang nakikipaglaro sa Pinoy footballers. Magiging adbantahe niya ito sa domestic league.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT