Pasok sa Tokyo Olympics ang anak ni music icon Bruce Springsteen na si Jessica Springsteen. Ito rin ang unang appearance ni Jessisa sa olympics. Kasama siya sa U.S. equestrian team na sasalang sa show jumping sakay ng kabayo.
Sasakyan ni Jessica ang kanyang 12-year old-stallion na pinangalanang Don Juan van de Donkhoeve. Kasama siya sa pambatong riders ng USA na kinabibilangan nina McLain Ward, Laura Kraut at Kent Farrington.
Nasungkit ni Springsteen ang spot sa olympics nang sumalang sa isang competition sa France noong June. Hindi na bago sa tagumpay ang 29-anyos na equestrian. Katunayan, kabilang siya sa top equestrians ng Estados Unidos.
Siya’y alternate rider ng US na hindi nakasalang noong 2016 Olympics.Kamakailan lamang, nagwagi si Springsteen sa 2021 WEF $37,000 CativeOne Advisors 1.50m Classic CS14 sa Wellington, Fla. Kinatawan din niya ang US sa FEI Nations Cup.
“My dream is always to represent the United States in championships, so I am definitely always working toward that,” ani Jessica sa NJ.com
“I feel like I have a really good group of horses jumping great right now, so I will just keep doing my best.” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2