MULI na namang naglabas ng kontrobersiyal na pahayag ang tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Gen. Antonio Parlade.
Ito’y matapos ikumpara ng opisyal ang utak ng Maginhawa Community Pantry na si Ana Patricia Non kay Satanas.
“Alam mo isang tao lang yan. Alam mo isang tao lang si Ana. Same with Satan. Si Satan binigyan ng apple si Eve, doon lang nagsimula yun,” ayon kay Parlade.
Bagama’t suportado ni Parlade ang inisyatibo ni Non, sinabi niya na hindi dapat ito paniwalaan, na nagpapahiwatig na si Non ay bahagi ng isang organisasyon na tumangging bigyan ng pangalan.
“Baka matuwa pa ang public dahil nilantad ng gobyerno kung ano si Anna, but we are not saying na ganun si Ana,” ayon kay Parlade.
Inihayag din ng opisyal na batay sa pagkakaalam niya tungkol kay Non, may kakayahan itong gumawa ng mga bagay na kakaiba dahil siya ay miyembro ng isang organisasyon.
Nang tanungin ang kanyang reaksyon, sinabi ni Non na wala siyang pakialam sa sinasabi ni Parlade dahil hindi naman ito totoo.
Gayunpaman, sinabi ni Non na naawa siya para sa mga nagsisikap na tulungan ang community pantry dahil sa mga bagay na sinasabi ni Parlade para siraan sila.
Si Ana Patricia Non o AP Non ang nagsimula ng pag-usbong ng mga community pantry na tumutulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya. Itinayo niya ito sa Maginhawa St., Quezon City.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI