November 13, 2024

AMYENDA SA HOLIDAY ECONOMICS LAW ISINUSULONG NI TULFO

Naghain si Senator Idol Raffy Tulfo ng panukalang batas na naglalayong mapalakas ang domestic tourism at maisulong ang work-life-balance para sa mga estudyante at empleyado.

Inihain ni Tulfo ang Senate Bill (SB) No. 1651 na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) No. 9492 na nagpapahintulot sa ilang mga holidays na gunitain tuwing Lunes kapag ito ay pumatak ng weekends.

“Holidays are integral in order to honor and commemorate special events or traditions with cultural or religious significance. The Philippines celebrates 18 national holidays annually, four of which are considered ‘special non-working holidays.’ These aforementioned days may at times fall on a weekend making them feel less celebratory for individuals.

“Additionally, the increase in the number of long weekends can help reduce stress, prevent burnout, and promote work-life balance for both employees and students by allowing them to decompress and spend time with their family and friends,” ayos sa explanatory note ng SB Mo. 1651.

Sa ilalim ng nasabing bill, kung ang holiday ay pumatak ng Sabado o Linggo, ito ay gugunitain sa susunod na Lunes.

Iminungkahi ni Tulfo na sa ilalim ng panukalang batas, dapat maglabas ang Pangulo ng proklamasyon sa unang Lunes ng Disyembre ng mga petsa na idedeklara bilang non-working holidays para sa susunod na taon.

Matatandaan na ang “Holiday Economics” ay ginawang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng Republic Act 9492, na naglipat ng regular at special holidays sa pinakamalapit na Lunes upang palakasin ang domestic tourism.

Nakansela ang naturang practice noong term ni late President Benigno Aquino III sa pamamagitan ng Proclamation 84.