January 23, 2025

AMLC, DDB, AT IBA PANG AHENSIYA MAS MALIIT ANG NATANGGAP SA 2021 BUDGET (Kung ikukumpara sa OVP)


HINDI ang Office of the Vice President (OVP) ang may pinakamaliit na nakuhang pondo mula sa 2021 national budget.

Ayon kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor,  na ang P387.6 milyon o 57 porsiyento ng inimungkahing P679.9 million budget para sa susunod na taon ay para talaga sa “subsidy/financial assistance” o dole-outs.

Ani ni Defensor, na mas maliit na bahagi ang napunta sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa panukalang P4.506 trillion ng 2021 national budget.

“For instance, P85.2 million is budgeted for the Anti-Money Laundering Council (AMLC), P146 million for the Anti-Red Tape Authority, P344.5 million for the Dangerous Drugs Board, and P172.3 million for the Commission on Filipinos Overseas,” ani ni Defensor.

“Maybe, we should increase the budget for the AMLC so it could catch money launderers.”

“Let’s set the record straight in fairness to President Duterte, who proposed the P4.5-trillion national budget for next year. The P679.7 million he recommended for the OVP is not the tiniest allocation in the bureaucracy as was made to appear,” dagdag pa nito.

Samantala, sa halip na pagkalooban ng P724 milyong budget para sa 2021, binigyan lang ng House committee on appropriations ang tanggapan ni VP Leni Robredo ng P679 milyon.

Gayunman, ilang kongresista sa Kamara na supporters ni Robredo ang humiling na dagdagan ang budget mula sa 10 porsiyento at gawing doble o triple ang alokasyon ng OVP.

Subalit iginiit ni Defensor na inimungkahi ni Duterte at ng kanyang economic team na magkaroon ng pagbabawas sa pondo dahil hirap ngayon tayo sa pinansiyal gawa ng nararanasang COVID-19 pandemic.

“This is the reason why the OVP funding for next year is P28 million less than this year’s P708 million. The President himself is proposing a P11-million reduction in the budget for his own office,” saad niya.

Ipinunto rin niya na tumaas ng 59% percent ang ibinigay na panggastos sa OVP simula noong buong taon ng 2017 ni Robredo kung saan binigyan ng Kongreso ang kanyang tanggapan ng P428.6 milyon.

“Since then, Congress has been padding her budget. Her subsidy/financial assistance went up from P177.6 million in 2017 to P277.6 million in 2018 to P387.6 million this year and next year. Congress has been generous to the Vice President. Her supporters have no reason to complain,” aniya. Idinagdag pa niya na ang iba pang bahagi ng ipinanukalang 2021 budget ng OVP ay ang P117.3 milyon para sa salaries, P3.7 milyon para sa capital outlay, P28.3 milyon para sa travel, P6.6 milyon para sa komunikasyon, P26/6 para sa representation at entertainment, at P41.8 milyon para sa consultants.