
Nanawagan ang American author na si Nicholas Kaufmann sa mga Filipino supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan ang pagpapadala ng mensahe sa kanya matapos na mapagkamalang siya ang British-Israeli lawyer na si Nicholas Kaufman.
Si Nicholas Kaufman ang abogado ng dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Magkatunog kasi ang pangalan ng dalawa, pero ang pangalan ng author ay may double letter “n” sa kanyang surname.
“I am being absolutely flooded today with followers and commenters from the Philippines who, I guess, don’t believe I’m not Duterte’s lawyer,” post niya sa kanyang Facebook account.
“Our names aren’t even spelled the same (he’s Kaufman with one N). It’s insane,” paliwanag pa ng author.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms