November 23, 2024

AMBULANSYA NG DRRMO-CALOOCAN HINDI NA PANG EMERGENCY, KAHA NA DIN NG DPSTM?

Hindi lang pala pang-emergency ginagamit ang ambulansiya ng DRRMO – Caloocan City.
Ayon sa isang netizen na itatago natin sa pangalang Elmo, minsan na siya umanong umakyat sa ambulansiya ng DRRMO-Caloocan City.

Mga Cabalen hindi dahil siya ay isinugod sa ospital kundi upang magbigay ng kontribusyon sa mga sakay nito upang magbayad di-umano ng P500.00 sa mga DPSTM! Aniya, ipinarada niya ang kanyang motorsiklo sa 10th Ave sa pagitan ng B. Serrano at Rizal Avenue sa Caloocan City sa pag aakalang walang magiging problema dahil marami ang nakaparada dito.

Ang siste mga Cabalen sa Cancaloo sa kanyang pagbabalik ay kamot ulo na lamang ang kanyang nagawa dahil natikitan na pala siya dahil obstruction ang kanyang violation. Naku po si Elmo walang magawa kundi ang sumunod sa basement ng City hall para magbayad daw para di matuloy ang tiket na obstruction?

Dapat daw niyang bayaran ang ticket. Ang tanong saan babayaran? Hindi po sa City Hall ng Caloocan mga Cabalen. Pinasunod si Elmo ni mamang naka-orange sa isang van na nakaparada sa basement mismo ng City hall ng Caloocan na may tatak na DRRMO ang masaklap ito ay ambulansiya na dapat ginagamit sa emergency. Sa ambulansiyang ito nandoon ang kahero ng City hall para sa mga natitikitan ng illegal parking o di kaya ay obstruction?

Kung sino man ang nasa loob ng ambulansiya ang siyang tumatanggap ng areglo na limang daang piso para iwas tiket? Ang DPSTM o Department of Public Safety and Traffic Management o DPSTM na pinamumunuan ni Sir Larry Castro ang gumagamit sa ambulansiya ng DRRMO?

Ito ba’y para hindi halata ang aregluhan? Desimulado nga naman. Ang kaso si Elmo nabuwisit dahil hindi nila babawalan ang pagparada sisitahin pagbalik ng may ari ng motor? Kaya mga Cabalen, swak sa banga di ba? Walang choice ang may ari ng motor kundi ang umareglo ng limang daan? Ilang motorsiklo naman kaya ang kumakagat sa pain na ito? Maaaring daan o libo din ang nag papark dito.

Nagkakamal kayo ng salapi mga hinayupak kayo. Inoonse ninyo ang mga taga Cancaloo! Kaya naman pala pag kailangan ang ambulansiya kinakapos dahil ginagamit sa kotongan? Susme kayo. Talaga naman! Kinunan po ni Elmo ang labas pasok sa ambulansiya ng DRRMO ang mga aareglo.

Mga Cabalen, alam po ba ninyo na ang DRRMO o Disaster Risk Reduction and Management Office na ang tungkulin ay bantayan ang ano mang banta ng peligro na maaaring mangyari at upang makaiwas at mapangalagaan ang mga taga Cancaloo?

Teka muna mga Cabalen mga taga-Cancaloo ano naman ang masasabi ng mga hepe ng DRRMO na sina Dr. James Lao at Alex Nadurata sa paggamit ng ibang departamento na gaya ng DPSTM sa kanilang ambulansiya?

Ayaw naman nating isipin na pumayag sila na gamitin ang ambulansiya na nasa ilalim ng kanilang pag-iingat para sa sinasabing katiwalian di po ba? Mga Cabalen, hindi tayo nanghuhusga. Nais lamang nating iparating sa mamamayan at dapat nang putulin ang kabaliwan.

o0o

Nais ko naman ipaabot ang aking pagbati ng “Happy birthday” sa aking kumpare na si Jay Luna ng Office of Senator Ronald “Bato” dela Rosa! Mabuhay ka Pareng Jay!