December 25, 2024

AMBULANSIYA NG TAYTAY, GINAMIT SA OUTING SA REAL, QUEZON

Ibinahagi ng isang netizen ang mga larawan sa social media ng isang ambulansiya na may nakalagay na “Municipality of Taytay, Rizal” na ginamit umano sa vacation trip sa Real, Quezon.

“Bawal gamitin ‘pag emergency pero kapag swimming sa Real, Quezon puwede,” mababasa sa caption sa FB page ng Taytay Secret Files.

Napag-alaman na kamakailan lang ay may reklamo patungkol sa hindi pagpapahiram ng emergency vehicle na gagamitin sana ng isang pasyente na may lupus sa kanyang naka-schedule na checkup.

Marami naman netizens ang tumutol sa ginawa ng driver ng ambulansiya. Narito ang kanilang komento.

“Hindi po dapat ginagamit sa family use,paano pag nalaman sa munisipyo yan”

“Mali pong gamitin ang anumang sasakyan ng pamahalaan lalo na sa mga ganyan”

“No excuses!!mali ang ginawa!walang emergency jan sa ilalim ng tulay para magkaroon ng ambulance jan.wag po natin bigyan ng kulay ng pulitika ang issue na to, ang gusto lang iparating ng nagpost ay ang maling gawi na ito.”

“hindi po politiko may sala jan kundi yung gumamit” “mali po yan Pang Gobyerno po yan d pang Pamilya”