KAMOT-ULO ang isang netizen na si alyas Elmo matapos siyang tiketan ng mga kotongerong tauhan ng DPSTM sakay ng isang ambulansya ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa Caloocan City. Ayon kay Elmo ipinadarada niya lamang ang kanyang motorsiklo sa 10th Avenue sa pagitan ng B. Serrano at Rizal Avenue dahil sa pag-aakalang wala siyang magiging problema sapagkat maraming motorsiklo ang nakaparada sa lugar. Pero laking gulat niya nang tiketan siya ng mga tauhan ng DPSTM dahil sa obstruction. Pinasunod umano raw siya ng mga taga-DPSTM na sakay ng ambulansiya ng DRRMO sa basement ng Caloocan City Hall para hingan diumano ng P500 kapalit ng tiket. Ilang motorsiklo naman kaya ang kumakagat sa pain na ito? Maaaring daan o libo din ang nag papark dito. Ano kaya ang masasabi rito ng hepe ng DPSTM na si Mr. Larry Castro at ng mga hepe ng DRRMO na sina Dr. James Lao at Alex Nadurata kaugnay sa ginagawa umanong pangongotong ng mga tauhan ng DPSTM gamit ang ambulansiya ng DRRMO?
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA