January 23, 2025

AMBASSADOR NG JAPAN SA PILIPINAS, BUMISITA SA PHILIPPINE COAST GUARD

Photo courtesy: Philippine Coast Guard

TINIYAK ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa Philippine Coast Guard  ang suporta ng Japan sa pagpapaigting ng kapasidad ng PCG lalo na sa pagkakaroon ng karagdagang barko.

Ginawa ng Ambassador ang pahayag nang mag-courtesy visit sa PCG kanina, kung saan ay mainit siyang sinalubong Coas Guard Commandant,  Admiral Ronnie Gil L Gavan, sa  headquarters sa Port Area, Manila.

Ayon kay PCG Spokesman Commodore Armando Balilo, sa naturang pagbisita ay tinalakay ang West Philippine Sea, training at update sa limang (5) 97 meter vessels na manggagaling sa Japan.

Kaugnay nĂ­to ay may magaganap aniyang note signing sa Mayo 17  na kasunod na rin ang contract signing.

Inaasahan aniyang maididiliber sa Pilipinas ang mga barko sa 2027 hanggang 2028.

Sa kanyang panig, sinabi ni Commandant Gavan na welcome sa PCG  ang lahat ng tulong galing sa iba’t ibang bansa at isa na ang Japan na matagal na tumutulong sa  PCG.

Sinabi ni Gavan na nagpapasalamat siyq sa natatamong kooperasyon mula sa bansang Japan upang manatiling matahimik, matatag at maunlad sa mga mamamayan ng dalawang bansa.