Kinilala ni Department of Trade and Industry ang naiambag na tulong ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda (2nd District Albay) sa DTI priority measures sa ginanap Appreciation Ceremony for Key Legislators.
Tinanggap ni Atty. Caroline Cruz ang Certificate of Appreciation bilang kinatawan ni Cong. Salceda ang certificate of appreciation mula kay DTI Secretary Ramon Lopez para sa kongresista.
Kabilang din sa mga awardees na dumalo sa seremonya ay sina Sen. Koko Pimentel, Cong. Manuel Zubiri, Cong. Wes Gatchalian at kinatawan ni Cong. Jay Suarez.
Matatandaan ay sinabi ni Lopez na malaki ang naging papel at naiambag na tulong ni Salceda sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa matapos ang pagkakalugmok dulot ng pandemya sa COVID-19.
Sa liham na ipinadala ni Lopez kay Salceda kamakailan, sinabi ng opisyal na ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act o RA 11536 at mga insentibo nito ang nagsilbing daan tungo sa pagtatag ng bagong istratehiya sa pagbalangkas ng ‘Strategic Investment Promotion Plan (SIPP)’ para sa lahat ng ahensiyang nagsusulong ng pamumuhunan sa bansa. Si Salceda ang pangunahing may-akda ng CREATE Act.
Ang CREATE Act ay napagtibay bilang batas matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2021 bilang pinakamalaking ‘fiscal stimulus’ para sa mga negosyo sa bansa sa pamamagitan ng mga reporma sa sistema ng pagbubuwis.
Ibinaba ng RA 11534 ang ‘corporate income tax rate’ sa 25% mula sa 30% na ang bisa ay mula noong Hulyo 1, 2020. Una na ring tiniyak ni Salceda na ang agrikultura, bilang pangunahing sektor sa pagsulong ng pagbangon ng bansa, ay tatanggap ng mahahalagang insentibo sa ilalim ng CREATE Act.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna