The National Basketball Association’s ‘bubble’ experiment in the light of the COVID19 pandemic is successful and fascinating. It came at the price of a minimum of US $150 million.
Ang NBA bubble ay ang Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida. Dito ginaganap ang current NBA basketball season o sa loob ng 120 days. Nagsimula noong July 13 at matatapos ngayong October. Dito pansamantalang nakatira ang may 322 NBA players, hindi pa kasama ang mga team executives, staffs, trainers, doctors amd medical staffs at media na nagcocovet na nakatira sa 3 hotels.
Tatlo sa mga building sa loob ng resort ang kinonvert na basketball court at isa naman ang broadcast center. Ang bawat team ay may 24-hour food service at mga chefs. May food delivery at room service kung sawa na ang mga players sa usual na pagkain nila.
Bawal lumabas ang lahat ng nasa loob ng bubble except kung ayaw na o may mahalagang okasyon ang pamilya pero mahigpit ang quarantine pagbalik. May suot na wristband ang mga players bilang susi sa mga venue, play areas at nagbibigay alarm kung lagpas 6 feet ang distance sa bawat tao.
Bawal ang magdala ng asawa at mga anak sa loob ng resort. Inaaliw ng mga players ang mga palaro at facilities ng resort. Patok ang mga barbero at masahista sa loob ng bubble. Ina-allow ang ilang miembro ng pamilya kapag playoffs at finals naatapos dumaan sa quarantine at swabbing test.
Patapos na amg NBA season and so far walang serious violations o hawaan ng coronavirus sa loob ng bubble. Tinuturing ito ng marami na successful experiment at gagayahin ito ng iba pang sports at assocoations kagaya ng Philippine Basketball Association.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino