
Isinama ang kantang “Amatz” ng Pinoy rapper Shanti Dope sa pinakahuling episode ng “Falcon and the Winter Soldier” ang pinakabagong palabas ng Marvel sa Disney + channel.
Kinumpirma ito mismo ng manager ng rapper na si Thea Gomez Polisco kung saan nakipag-ugnayan sa kanila ang production staff ng Marvel Studios noon pang Disyembre.
Ito na aniya ang pangalawang international collba inquiry ng rapper na ang una ay sa Disney na collab kay Sabrina Carpenter.
Sa kaniyang social media ipinakita ni Polisco ang mga movie clips kung saan mapapakinggan ang kantang “Amatz” sa background.
Magugunitang ipinagbawal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing kanta dahil may mensahe ito na panghihikayat ng paggamit ng iligal na droga lalo na ang marijuana.
More Stories
SUSPENSIYON VS GOV’T EMPLOYEE NA MAGLA-LIKE AT SHARE NG POLITICAL POSTS (Babala ng CSC)
DE LIMA KINONDENA SI REP. GONZAGA SA KANYANG ‘MAGALING KUMADYOT’ REMARKS
BAGONG PILIPINAS NATIONAL FOOD FAIR, PINASINAYAAN