
Nagdiwang pala kahapon si volleyball star Alyssa Valdez ng kanyang ika-28th birthday. Kaugnay nito, inulan ng greetings ang tinaguriang ‘The Phenom’ ng Philippine volleyball.
Nagcelebrate ng birthday niya si Valdez kasama ang teammates niya habang nasa training bubble.
Espesyal siyempre na bumati kay Alyssa ang kanyang boyfriend na si Kiefer Ravena. Nagpost sa social media account nito ang NLEX Road Warriors guard.
“Happiest birthday to one of the strongest, most humble and most generous human beings i know. You inspire a lot of people with mere presence and make them better,” ani Kiefer.
Bumuhos din ang pagbati ng volleyball fans kay Lay lalo na ang fans ng Creamline Cool Smashers. Masaya naman si Alyssa sa greetings ng mga fans at ng mga taong malalapit sa kanya.
Isa na rito ang mommy ni Kiefer na si Mossy Ravena. Bumati rin kapwa volleybelle players na sina Michele Gumabao at Celine Domingo. Gayundin sina Tots Carlos at Ella De Jesus.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt