Magiging malakas ang aura ni volleybelle Alyssa Valdez matapos ang paglagi sa PBB house. Itinanghal si Valdez bilang isa sa Top 2 housemates ng 2021-22 PBB: Kumunity Season 10. Kasama niya sa Top 2 si Anji Salvacion.
Kaya naman, sa paglabas niya sa bahay, mainit siyang winelcome ng kakamping si Jema Galanza. Si Galanza ay naglalaro bilang outside hitter ng Creamline Cool Smashers. Masaya rin ang iba pang teammates ng tinaguriang ‘ The Phenom’. Naging trending sa social media ang pagiging Top 2 ni Valdez. Lalo na sa daigdig ng sports.
” Proud kami sa iyo. Lay, love you,” bati ng mga ito sa kanya.
“Ipinagmamalaki ka namin,” ani pa ng mga ito.
Kasunod nito, maghahanda na ang Creamline sa upcoming PVL tournament.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2