Hinirang ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) si Alyssa Valdez. Si Valdez ang itinalaga upang pamunuan ang Athletes’ Commission ng pederasyon.
Bukod kay ‘The Phenom’, kabilang din ang ibang volleybelles na tutulong sa pamunuan ng federation. Kabilang dito sina Abigail Maraño, Denden Lazaro Revilla at Johnvic de Guzman.
Ang pagsalang kina Valdez at sa tatlo ay kaugnay sa ikinasang balak para sa national team ng PNVF.
Si Tony Boy Liao ang magsisilbing chairman ng grupo para sa national team department.Ito’y dahil sa malawak nitong eksperyens at involvement sa national women’s team.
Katunayan, nagwagi sa Southeast Asian Games gold medal noong 1993 ang team na ginabayan ni Liao.
“He has a vast experience in managing teams and players and is highly-versed on volleyball rules,” ani PNVF president Ramon ‘Tatz’ Suzara.
Makakatuwang nito si dating fencing national team member at Ormoc City Mayor Richard Gomez. Na siyang itinalagang secretary ng national team department.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!