Kahalagahan ng malalim na alyansa at pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, gayundin ang pagtutulungan ng dalawang bansa upang mas palakasin pa ang kanilang ekonomiya.
Ito ang napag-usapan nina President-elect Bongbong Marcos Jr. at US Deputy Secretary State Wendy Shernam sa kanilang pagkikita kahapon.
Napag-usapan din nila ang kahalagahan ng public-private partnerships, clean energy, at digital economy.
“We had a very positive and productive meeting about the broad range of issues important to the bilateral relationship between our countries—including people-to-people ties, clean energy, food security, inclusive economic development, reducing barriers to trade and investment, and maintaining freedom of navigation in the South China Sea and upholding the rules-based international order,” ayon kay Sherman.
Sinabi rin nito na “looking forward” si US President Joseph Biden na makatrabaho si Marcos at ang administrasyon nito.
“President Biden looks forward to working with President-elect Marcos and his administration when they take office in the next few weeks,” dagdag na pahayag nito.
Ayon pa kay Sherman, na sakaling maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ay malaya nang makakabiyahe si Marcos sa Estados Unidos.
Aniya, sakop ng diplomatic immunity ang head of state kaya malayang makakabisita si Marcos sa Amerika, sa kanyang opisyal na kapasidad bilang Pangulo.
“This is not something that needs to be discussed. The fact is that when you’re head of state, you have (diplomatic) immunity in all circumstances and are welcome to the United States in your official role,” ayon kay Sherman.
Ito’y sa kabila pa rin ng contempt judgment laban kay Marcos Jr. sa Amerika kaugnay sa isang human rights class suit.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA