PINURI ng Labor group Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian dahil sa naging aksyon nito sa umano’y pang-aabuso laban sa factory worker na si Russel Manosa.
Dumulog sa tanggapan ni Gatchalian ang factory worker na si Manosa makaraang bigyan ito ng P1,056 halaga ng barya, na karamihan ay 5 at 10 sentimos at piso, matapos mag-duty ng 24 oras sa kumpanya.
“Mayor Gatchalian did the right thing in standing up for Russel and acted quickly in exercising his local chief executive prerogative on the alleged abuses committed by the employer. This action of the mayor will further encourage the faith of the workers in Valenzuela local government authority and earned their trust to the local governance process. We urge workers similarly situated to not just rant on abuses but also to file a complaint,” saad ni Gerard Seno, ALU-TUCP National Executive President.
“We are hoping that this incident would remind abusive employers in Valenzuela city and elsehwere in the country to take care of their workers by complying with the labor regulations and abide with the occupational safety and health standards faithfully,” dagdag pa ni Seno.
Sa isang dayalogo kasama ang company representatives kahapon, ipinag-utos ni Gatchalian sa owner ng Nexgreen Enterprises na si Jasper Cheng So na bayaran ang total separation pay ni Manosa na umabot sa P55,614.
Binigay ni Gatchalian si So ng 30 days para mag-apply ng mayor’s permit at itama ang pagkakamali sa labor practices sa mga natitirang empleyado o kung hindi ay babawiin nito ang prangkisa ng pabrika.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY