
QUEZON PROVINCE — Tumanggap ng matinding ihip ng swerte ang Alternergy Holdings Corp. matapos itong makakuha ng ₱3.3 bilyong pondo mula sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) para sa kanilang Alabat Wind Project sa Quezon.
Ayon sa Alternergy, ang nasabing halaga ay bahagi ng kabuuang ₱5.5-bilyon na funding facility mula sa RCBC para sa 64-megawatt wind power project sa baybayin ng Alabat, na unang wind project ng bansa sa Pacific Ocean coast.
“Salamat sa RCBC sa tuloy-tuloy na suporta,” ani Alternergy president Gerry Magbanua, na nagbanggit ding nakatanggap din sila kamakailan ng ₱800 milyon para sa Balsik Solar Project.
Target matapos ang konstruksyon sa katapusan ng 2025, ang proyekto ay pasok sa Green Energy Auction Program ng gobyerno at pangunahing ambag sa 500-MW target ng Alternergy sa 2026.
Walang atrasan sa clean energy push! Tugma ito sa hangarin ng administrasyong Marcos na itaas ang bahagi ng malinis na enerhiya sa bansa—35% sa 2030, at 50% pagsapit ng 2040.
Hangin ngayon, kuryente bukas! Tuloy ang paglikha ng enerhiyang hindi lang environment-friendly—kundi pangmatagalan din para sa buong Pilipinas!
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC