January 23, 2025

Allowances ng national athletes, maibabahagi na dahil sa Bayanihan Act 2

Tiyak na matatanggap na ng mga Pinoy athletes ang monthly salary nila ng buo. Wala rin itong kaltas.

Ito’y bunsod nang ratipikahan ang bicameral committee report ng Bayanihan 2. May isiningit na P180 milyong pondo para sa mga atleta at coaches.

 “Maaaring lagdaan ito ng Pangulo ngayong linggo,” ani Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo rin ng Philippine Olympic Committee (POC).

Kapag napirmahan na ito ng Pangulong Duterte, makukuha nang muli ng mga Pinoy athlete ang kalahati ng mothly allowance nila. Nabawasan kasi ito noong buwan ng Hunyo.

Bukod ditto, matatangap din nila nang retroactive ang natirang pera na natapyas noong buwan ng Hunyo. Gayundin sa susunod na buwan.

 “That’s our way telling our athletes who gave the country honor that we care and we appreciate them,” ani ng Tagaytay Congressman at PhilCycling chief.

Ang pera ay maaaring dumating sa unang mga araw ng susunod na buwan”,aniya.