HIGIT sa 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital Region ‘One For All-All-For One Championships na nakatakda ngayong weekend sa Teofilo Ildefonso Swimming Center sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Maynila.
Sinabi ng co-founder ng COPA na si Chito Rivera na walang bayad ang mga koponan at estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa tatlong araw na tournament na magsisilbi ring isang fund-raising event dahil bahagi ng mga kikitain ay mapupunta sa pamilya ng yumaong swimming coach na si Elcid Evangelista.
Ang age-group competitions ay para sa mga lalaki at babae 6-under, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17 at 18-year-old pataas. Ang edad ng pagtutuos ay Disyembre 31,2024.
“This is part of a series of COPA competitions aimed at fostering camaraderie and boosting the swimmer’s development at the grassroots level. But of course, expect tough competition as some of our Palarong Pambansa qualifiers are confirmed to join the event,” wika ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, COPA co-founder and Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary-General.
“Also, this will serve as part of our young swimmers’ preparation for the coming National tryouts on August 15-18 to select members of the team for the Southeast Asian Age Group SEA Age Group Championship slated in Bangkok in December,” dagdag pa ng swimming icon at Philippine Sports Hall-of-Famer.
Ang kompetisyon ay pinahintulutan ng Philippine Aquatics, Inc.
Kabilang sa mga kilalang manlalangoy ang multi-titled at Palarong Pambansa-bound Nicola Diamante mula sa RSS Dolphins sa Paranaque, Asian Age-Group Championships campaigner na si Patricia Mae Santor mula sa University of Santos, kasama sina Rio Balbuena, Jada Cruz, Amber Arano, Kristoffe David at Audrina Victor mula sa sikat na Ilustre East Swimming Club na nasa pangangasiwa ni National coach Ramil Ilustre.
Samantala, ipinaalala ni Rivera na ang mga pisikal na sasabak sa PAI tryouts para sa 25-meter competition na nakatakdang Agosto 19-21 ay magiging karapat-dapat na kumatawan sa bansa sa apat na international tournaments: Ang World Cup sa Shanghai, China (Oktubre 18-20), Korea World Cup sa Incheon (Okt. 24-26), Singapore World Cup (Okt. 31t- Nob. 2) at ang World Championships sa Budapest, Hungary (Dis. 10-15). (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA