May kapangyarihan ang alkalde ng San Simon, Pampanga, para gumawa ng aksyon, kabilang na ang pagpapalabas ng closure order, laban sa mga “smelting plant” na napatunayang lumalabag sa batas.
Kinilala ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang mga pasaway na kompanya tulad ng Global Aseana, Ecoseal Matallic Manufacturing Corporation, Chilwee Metallic Manufacturing Corporation, at Dongjin Lonvegivity Industry Corporation.
Ang mga kumpanyang ito ay napatunayan na walang kaukulang permit na nag-o-operate ng used lead acid batteries (ULAB) at itinatapon ang “toxic waste” sa ilog na dumadaloy sa San Simon, Pampanga.
Ang tinatapon na “toxic waste” dahilan ng “fish kills” sa ilog at nagiging “serious health risks” sa mga residente sa ilang barangay sa San Simon.
Sa ipinadalang liham kay Vittorio Vitug, presidente ng Capampangan in Media Inc. (CAMI), sinabi ni DENR-EMB Region 3 Director Martin Jose Despi na ipinagbigay-alam na ng ahensiya kay San Simon Mayor Ryan Viray ang ginagawang paglabag ng mga kompanya sa kanyang area of jurisdiction.
Naimbitahan si Despi na dumalo sa regular forum ng Cami para sa sagutin ang mga katanungan patungkol sa mga report patungkol sa polusyon sa tubig at hangin na dulot ng illegal smelting operations, partikular na sa bahagi ng ilog sa Barangay Dela Paz, San Simon.
Sa naturang liham, inimpormahan ni Despi ang Cami na nag-isyu na rin ang local DENR-EMB bureau noong Pebrero ng notice of violaton laban sa apat na kompanya na nag-o-operate nang walang registration certificate matapos magsagawa ng inspeksyon ang technical team noong mga nakaraang buwan.
Ipinunti ni Despi na ang kapangyarihan para isara ang nasabing mga kompanya ay nasa kamay na ng kinauukulang LGU.
Matatandaan, na nanawagan ang pangulo ng Federation of Philippine Industries, Inc. na si Dr. Jesus Lim Arranza, ang pagpapasara sa lead smelting operations, na nagtatapon ng toxic materials sa ilog, na nagresulta sa “fish kills.”
Pinangangambahan niya na ang water at air pollution ay makaapekto sa kalusugan ng mga residente na namumuhay sa tabing-ilog.
Isinagawa ni Arranza ang panawagan nang dumalo ito sa CAMI forum kamakailan lang bilang guest speaker.
Napag-alaman na nag-o-operate ang mga kompanya na walang sapat na pasilidad at kagamitan sa pag-handle ng acid at iba pang toxic materials, bukod sa iba pang mga paglabag.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan