September 23, 2024

ALICE GUO AT KAPWA AKUSADO NI QUIBOLOY MAGSASAMA SA IISANG SELDA SA PASIG CITY JAIL

Photo Credit: PNA

MAKAKASAMA sa iisang selda ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang isa sa kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera, inaasahang ililipat ngayong araw si Guo mula sa PNP custodial facility sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail.

“Handa na ‘yung paglalagyan niya, na-check na din ‘yung mga possibly niyang makasama at chineck na din ‘yung profiles sa ating risk assessment,” ayon kay Bustinera.

“Nagdagdag na din tayo ng karagdagang tao, security personnel. Pati preparations kung may a-attend-an siyang hearings sa mga susunod na araw, naka-standby lang naman kami,” dagdag pa niya.

Kinumpirma rin ni Bustinera na ikukulong si Guo kasama ang isa sa kapwa akusado ni Quiboloy, gayundin ang iba pang preso na nakakulong doon.

“Kasi merong tatlong dinala [Quiboloy’s co-accused) 2 weeks ago. Pinaghiwa-hiwalay sila since tatlo lang din ang selda, may kasama siyang [Guo] isa,” aniya.

“Walang any special preparation para sa space niya kasi lagi namin sinasabi na sumusunod lang kami sa korte at kung anong itsura nun, ‘yun na ‘yun, wala kaming magagawa,” dagdag niya.