
Tiyak na suportado ng mga barako ang beauty queen turned actress-host na si Ali Forbes. Tatakbo siya bilang Councilor sa District 6 ng lungsod ng Quezon.
Sa ganda at lakas ang appeal ni Ali, pehadong kuha na niya ang mga barakong botante. Kaya, malaki ang chance niya na manalo. Bakit nga ba siya pumalaot sa politics?
“Noon pa po ay nagkakaroon kami ng mga charity events at feeding program. Nakasama rin po ako dun sa mga cancer sick children sa East Ave,” turan ng host
“ Sinabihan po ako na mas marami kang magagawa at matutulungan kung ikaw ay magiging kawani ng government kaya ‘di na po ako nagdalawang isip .Sabi ko, subukan natin para mas marami pa tayong matulungan dahil may pondo tayong magagamit,” aniya sa CHat Tsikahan.
Sa ngayon, nagpaparmdam na siya sa kanyang constituents. Sa gayun ay makuha nya ang loob at suporta ng mga ito. Good luck sa iyo, Ali.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA