
Wagi sina UFC featherweight champion Alexander “The Great” Volkanovski at women’s flyweight champion Valentina “The Bullet” Shevchenko sa UFC 266. Matagumpay nilang nadepensahan ang kanilang mga title belts sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Ginapi ni Volkanovski si Brian ” The-City” Ortega via unanimous decision. Pumabor ang judges sa una sa iskor na 49-46, 50-45 at 50-44. Dahil sa panalo, naitala nito ang 20th straight win at 2 beses na successful title defense.
Dinaig naman ni Kyr-Peruvian na si Schevchenko, 33-anyos (22-3, 8KO’s, 7 subs ) si American Lauren ‘ Lucky’ Murphy. Nilikida ng una ang huli sa 4 minute mark sa 4th round via TKO.
Natamaan ng solidong suntok at siko ni Schevchenko si Murphy kaya di na ito nakaporma. Bunsod nito, matagumpay niyang nadepensahan ng 8 straight defense ang kanyang titulo.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo