
Sinargo ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan ang 3-billiard titles sa 2022 Scotty Townsend Memorial na idinaos sa West Monroe sa Los Angeles, California.
Unang umarangkada si Pagulayan sa One Pocket Division. Kung saan pinataob nito si Scott Frost ng Amerika sa finals para maibulsa ang $9,000 prize money.
Wagi rin siya sa 9-Ball Division matapos talunin si Robbie James Joaquin Capito ng Hong Kong at ibinulsa ang $5,300 top purse. Kinubra rin nito ang kampeonato sa 10-Ball mini event para sa $1,850 premyo.
Ito ang unang tatlong titulo ni Pagulayan sa taong ito. Sa kabuuan, may $21,467 premyo nang nalilikom si Pagulayan para umangat sa ranking ng world moneymaker list ng AZ billiards.
More Stories
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT