
MALUNGKOT ngayon sina Alex Gonzaga at kanyang mister na si Mikee, dahil sa ikalawang pagkakataon ay nakunan na naman ang aktres.
“Sobrang hanga ako sa asawa ko, dahil kahit hindi natuloy ang ikalawa naming baby. Napaka loving niya at napaka maunawain siya, at never niya akong sinumbatan o awayin.
“Siyempre nalungkot ako sa mga nangyari, hindi ko naman ginusto ang nangyaring iyon. Si Mikee, hindi ko nakitan nang pagbabago sa akin, kaya naman naaawa ako sa asawa ko dahil nabigo ko siya sa ikalawang pagkakataon.
“Tanggap na namin ang mga nangyari, malungkot pero kaya naman naming matanggap na wala na ang aming ikalawang baby, pero alam ko na ibibigay din sa amin iyan ng Dios ang magkaroon ng batang matatawag na anak namin ng asawa ko,” malungkot na pahayag ni Alex Gonzaga.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente