Nakaligtas si Pinay netter Alex Eala sa opening set at nasilat si Margot Yelolymos ng France, 7-6 (6), 6-2. Ang dalawa ay naglaban sa W60 tourney sa Bellinzona, Switzerland.
Dahil dito, umabante ang 15-year-old tennis sensation sa second round sa $60,000 tournament.
Tumagal ang laban ng dalawang oras at naremedyuhan ang kanyang palpak na serves. Katunayan, nagtala siya ng nine sa kanyang 12 double faults sa opening frame. Kabilang na rito ang 2 sa tiebreak.
Nakaungos si Alex ng 3-0 lead pero nahabol ni Yerolymos sa 3-2. Ngunit, pinatid nito ang momentum ng huli para itala ang panalo sa fifth game.
Susunod na makahaharap ni Eala si 12th seed Laura-Iona Paar ng Romania. Ang huli ay nagtala ng opening round-bye.
Ang 32-anyos na si Paar ay natalo na ni Eala, 6-3, 3-6 at 6-4 sa 1st round ng W25 Grenoble sa France noong Pebrero.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo