
Umabanse si Alex Eala, 16-anyos sa second round ng W80 Grenoble sa France. Kung saan, makatatapat niya ang 4th seed ng home town bet sa nasabing torneo. Ito ay sa katauhan ni Chloe Paquet na ikakasa ang duelo sa pagitan nila sa Huwebes.
Si Paquet ay ranked No. 124 in the world na nagsubi ng 4 women’s title nitong 2021. Kabilang na ang W80 sa Poitiers. Si Eala naman ay ranked No. 587 in the world.
Dinispatsa nito sa round-of-32 ang 21-anyos na si Joanne Zuger (6-4,6-1 sa opening round.
“I’m glad to have made it to the qualifying rounds and then won my first round this week,” ani Eala na nagpo-focus bilang junior player.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY