
Rumekta sa quarterfinals si Alex Eala ng 2021 US Open girls’ singles event sa USTA Billie Jean King Tennis Center. Tinalo nito si Michaela Laki ng Greece, 4-6, 7-5, 6-4.
Matapos ang two match points, tinapos ng no.2 seed ang laban. Nakonekta ni Eala ang kanyang 2-cross-court shots.
Hindi ito napalo ni Laki at nanaig si Eala sa laban na tumagal ng 2 hours at 23 minutes. Sinamantala rin ng Pinag netter ang oportunidad nang malasin si Laki. Kaya nakalamang siya sa 3-2 sa pagtatapos ng final set.
Na-capitalized din ni Alex ang mga palo na di masagot ni Laki dahil sa naramamang pagod sa match up.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo