
Pumalaot si Alex Eala sa finals ng W25 Chiang Rai 2022 Tennis Tournament sa Thailand. Dinispatsa ng Pinay teen tennis si YeXin Ma ng China sa semis, 6-3, 6-4.
bago tumuntong sa semis, tinalo ni Eala si Momoko Kobori ng Japan, 6-3,6-3 sa quarterfinal round. Sa kanyang kampanya sa finals, haharap ang 16-anyos na netter kay Luksika KumKhum ng Thailand.
Tinalo ng local bet si Erika Sema ng Japan sa semis, 6-4, 6-4.
Kagagaling lang ni Eala sa isang torneo sa Miami, Florida nitong Marso. Kung saan, maalat ang kanyang kampanya sa 2022 Miami Open. Nakasalang siya dahil sa bisa ng wild card entry. Subalit, nalaglag sa quarterfinal round. Gayunman, sa kanyang pagpalo sa Thailand, sinuwerte siyang makarating sa finals.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT