
Nakopo ni Alex Eala ang 2022 ITF Women’s World Tour W25 Asia-Oceania tournament title sa Chiang Rai Thailand. Sinilat ni Pinay tennis sensation ang hometown bet na si Luksika Kumkhum, 6-4, 6-2.
Ito ang unang title na napanalunan ng 16-anyos na netter matapos magdanas ng early exit sa ilang sinalihang torneo. Nagbulsa rin si Eala ng $3,935 (P202,947.62) sa panalo.
Maagang dinomina ni Eala ang laban sa 4-1 lead. Naikasa rin nito ang love set sa 5-2 advantage. Nagtuloy-tuloy ang buwenas ng Pinay sa final game. Kung saan, pinahirapan si Luksika sa errors para sa 15-30 lead.
Mula rito, di na nakaporma pa ang kalaban sa 1 hour and 22 minute match. Susunof na paghahandaan ni Alex ang 31st SEA Games sa Vietnam sa Mayo.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo