
Sinilat ng tambalan nina Alex Eala at Oksana Selekhmeteva ang kalaban sa French Open girls doubles tournament. Tinalo ng dalawa sina Croatian Petra Marcinko at Hungarian Natalia Szbanin, 7-6 (7), 7-6 (5).
Dahil dito, abanse ang dalawa sa semifinals ng torneo sa Stade Roland Garros sa Paris, France.
Sa unang tikada ng match-up, nangapa si Eala sa second set. Ito’y matapos rumatsada ang dalawa sa 4-1 lead.
Pero, nahabol ang kalaban at naungusan pa sila sa 6-5 advantage. Subalit, muling nakabawi ang Filipino-Russian pair sa pagtabla sa 6-6 sa set.
Dahil sa magandang teamwork ng dalawa, nakabuwelta ang duo sa 7-5 comeback upang kunin ang panalo.
Sa kanilang pag-usad sa semifinal round, makahaharap nina Alex Eala at Selekhmeteva sina Eleanora Alvisi at Lisa Pigato ng Italy.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY