
Nasungkit ng dynamic duo nina Alex Eala at Russian Oksana Selekhmeteva ang 2021 French Open Girl’s Doubles title. Ito’y matapos daigin ang tambalan nina Maria Bondarenko (Russia) at Amarissa Kiara Tith ng Hungary, 6-0, 7-5.
Ang titulo ay maiden championship nila bilang tandem. Subalit, second Grand Slam ng bawat isa. Nakopo ni Selekkmeteva ang kanyang first title laban kay Kamilla Bartone ng Latvia sa US Open 2019.
Samantalang nakopo naman ni Eala ang Australian Open laban kay Priska Madelyn Nugroho ng Indoneisa noong January 2020.
Bagama’t nangapa si Eala sa kanyang service game sa halos buong laro, nakabawi naman ito s aisang killer serve.
Maganda naman ang itinulong ni Selekhmeteva sa laro na tumagal ng mahigit sa isang oras saState Rolland Garros sa Paris, France.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY