
Hindi umubra ang tambalan nina Alex Eala at Victoria Jimenez Kasintseva sa quarterfinals. Nabigo ang dalawa kina Ashley Lahey at Olivia Tjandramulia, 6-4, 6-10 sa 2021 ITF World Women’s Tennis Tour sa Madrid, Spain.
Nakaungos pa ang sina Eala sa katunggali nang lumamang ng 3-0 sa super tie break. Ngunit, kumamada sina Lahey ng USA at Tjandramula ang Australia.
Anupa’t nakalanang sila sa 7-5 dahil sa sablay na forehand shot ni Eala. Mula rito, kinabig din ng dalawa ang match point sa 9-5 bago nakabawi ang Pinay netters.
Na-extend ang match at sinubukang makabangon sa 0-2 at 1-3 back foot. Bago binasag ang finals serve ng kalaban. Gayunman, bumalikwas sa predicamant sina Lahey at itinala ang panalo.
Dahil sa pagkatalo, napigtas ang kampanya nina Eala at Kasintseva sa W25 Madrid tournament.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo