Sumampa si Alex Eala sa quarterfinals ng W25 El Espinar/ Segovia tennis meet sa Espanya. Dinispatsa ng Pinay tennis sensation si Amy Zhou ng United States, 6-4, 6-3. Bumalikwas ang 17-anyos na si Eala mula sa 4-4 tie sa first set.
Rumatsada na ito ng palo sa second set upang walisin si Zhou sa round-of-16. Haharap naman si Eala sa quarterfinal kay No. 6 seed Rosa Vicens Mas ng Spain. Unang dinaig ng The Rafael Academy scholar si Maria Bondarenko ng Russia. Di rin nito pinaporma sa first round sa iskor na 6-4, 6-3 noong Martes.
Ngayong buwan, natamo ni Alex ang new career-high sa WTA. Kung saan umakyat ang kanyang ranggo sa No. 282. Puntirya rin ng tennis-prodigy ang kanyang third pro-title matapos magkampeon sa W15 sa Manacor noong 2021. Nakatuntong siya sa semifinals ng W60 Votoria-Gasteiz noong nakaraang linggo.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!