Inaresto si Los Angeles Lakers guard Alex Caruso dahil sa marijuana possession sa Texas. Pero, pinakawalan din siya kalaunan.
Inakusahan si Caruso ng 2 onsa ng marijuana at possession at drug paraphernalia. Ayon sa Brazos County Sheriff’s Office, tiniklo ang player ng A&M University Police sa College Station.
Ang dahilan ng pagpapalaya kay Caruso ay maliit lang na kasalanan ang kanyang nagawa. Ito ang batas sa Texas, kung saan maaaring makulong ng 180 araw ang maysala. Agad din siyang pinakawalan matapos magbayad ng $3,000 bond at $552 fine.
Si Caruso, 27-anyos ay produkto ng Texas A&M University. Magiging unrestricted free agent na siya ngayong offseason.Mayroon siyang average na 6.4 points, 2.8 assists nitong 2020-21 season.
Ayon naman sa mga analyst, malaki ang magiging epekto sa career ni Caruso ang nangyari
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na