December 26, 2024

ALESSANDRA DE ROSSI, NAGTATAG NG SARILING RECORD LABEL

Nagtatag pala si Alessandra De Rossi ng sarili niyang record label. Kung saan, mayroon na siyang dalawang artists. Ito’y matapos ang kanyang successful directorial debut sa pelikulang ‘ Amanda’ 2 months ago.


Ang name ng record label niya ay ‘AWOO’ Records. Kabilang sa kanyang mga signed artists ay si Filipino-German na si Hya (Lee Anna Weber Layumas). Gayundin si South Carolina-based singer-songwriter Alfa.

Ayon kay Alessandra, parang anghel ag boses ni Hya na may debut single na ‘Raindrops’. Ayon pa sa talented actress, kailangan aniya ng masa na makarinig ng kakaibang awit at sounds.

“All we need is to offer something pure, peculiar, and distinct. I think we can make it, too!”aniya.