January 19, 2025

ALERT LEVEL 3 NG BULKANG MAYON HINDI PA DAPAT TANGGALIN

IDINEPENSA ni  Science and Technology Secretary Renato Solidum kung bakit hindi pa dapat ibaba ang alerto ng Bulkang Mayon.

Sa Kapihan sa Manila Bay, pinaliwanag ni Solidum na nasa abnormal na kalagayan pa rin ang bulkan at patuloy ang volcanic activities.

Kabilang ang pagbuga ng lava na lubhang mapanganib sa mga residente na nasa loob ng 6 kilometers permanent danger zone.

Mayroon din aniyang  rockfall event at mga pagyanig sa paligid ng bulkan kung kaya hindi pa maaaring alisin ang Alert Level 3.

Ngunit dahil sa mga aktibidad ng Mayon, hindi naman nakikita ng DOST na magkaroon ito ng major eruption.

Sa ngayon, inirerekomenda pa rin ni Solidum na manatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon upang maiwasan ang anumang panganib sa mga residente na nasa danger zone.

Samantala, nilinaw din ni Solidum na  kanina na sa pagdi-develop ng isang lugar gaya ng probinsiya o lungsod maraming risk na dapat ikunsidera gaya aniya ng navigation, biodiversity at iba pa na maaaring makapekto sa hinaharap.

Kaya aniya mahalagang mapag-aralang o ma-evaluate ang mga panganib na maaaring magpalalasa sitwasyon.