Sumisid si Ariel Joseph Alegarbes ng 2 gold medals sa 11th Asean Para Games. Dahil dito, record-breaking style ang kanyang ginawa sa Jatidiri Sports Complex pool sa Semarang, Indonesia.
Pinagbidahan ni Alegarbes ang men’s 100-meter backstroke S14 event. Niratsada nito ang 10 meters sa pagtala ng 1 minute at 03.01 seconds. Nalampasan niya si Muhammed Imaan Aiman ng Malaysia. Nagtala lamang ito ng 1:03.20. habang ang pambato ng Thailand na si Mrjiachot Chuvong ay nagtala ng 1:11.68.
Matapos nito, muling nanalasa ang 18-anyos na pride ng Victoria, Negros Oriental. Muli siyang naghari sa men’s 50- butterfly S14 sa 26.43 seconds. Kung kaya, naitala niya ang golden double sa kanyang rookie stint sa biennial meet.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2